Tags:
Published : 9 months, 2 weeks ago (Mon, 01 Jun 2009 21:42:16 PDT) Searched: kapag-wala-na-sa-dahon http://joannareyes.livejournal.com/841.html 0 links Related posts
Ang puno daw,kumukuha ng nutrisyon mula sa mga nahihigop na tubig ng kanyang mga tangkay,dahon at ugat.Kapag dumating ang tag tuyot,ang lahat ng reserba na nagmumula sa mga dahon at tangkay ay unti unting nauubos.Kahit wala ng mga dahon,ang puno ay nakatayo pa din.Lilipas ang mga araw at madamot pa din ang langit,unti unting ninipis ang katawan ng nasabing puno.Magtataka ka,bakit buhay pa din? Ang mga ugat na nakalubog sa malalim na lupa ang syang kukuha ng lahat ng natitirang sustansya para sa puno.Kung ang ugat ay mababaw,kakaunti lamang ang kanyang makukuha,kung ito ay mahahaba't malalim ang tanim,ang puno ay mabubuhay at mabubuhay pa din hanggang dumating muli ang susunod na tag ulan at mabibiyayaan syang muli. Naubos na ang natitira kong lakas upang manatili sa kanyang mundo,naubos ko na rin lahat ng tubig sa balon ng pagbabago.Magtataka ka,bakit buhay pa din?Marahil,masyado lang mahaba at malalim ang pagkakatanim ng pareho naming ugat,at pilit namin iyong binubuhay hanggang sa dumating ang susunod na biyaya. Kapag walang wala nang mahugutan,ang pinaka malalim na bahagi na ang natitirang pagpipilian. Maghahanap ka ng mga bagay na ikasisiya mo pa sa gitna ng mga hirap.Maghahanap ka ng magagandang bagay sa kanya para manatili sa kanyang tabi.Maghahanap ka ng magagandang alaala upang makapagpatuloy sa nasimulan.Pipilitin mong bumangon para bumangon din sya.Pipilitin mong maging isang bagong tao para magbago din sya.Hanggang di mo namamalayan,nagbago na ang lahat.Nakalampas na ang isang unos na muntik mo nang ikasuko at bumitaw.Muntik na naman..muntik na naman... Magbibilang ka naman ng taon,dadami na naman ang magagandang alaala.Kapag dumating na naman ang isang unos,may paghuhugutan ka na naman ng lakas at inspirasyon. Dun marahil nagkukulang ang iba.. |